Tipid Palengke Tips

Ang palengke ang pinakasariwang mapagkukuhaan ng pagkain nating mga pinoy kaya mas maraming namimili sa dito. Heto ang mga tips papaano makakatipid sa pamamalengke.

1. Mamili tuwing weekends o kaya tuwing umaga.
Asahang sariwa ang mga tindang mga gulay, isda at karnesa umaga. Maliban sa karneng baka mas mainam bumili tuwing weekends. Dahil nga mas maraming namimili tuwing weekends asahang mas magbabagsak ng mas maraming produktong pagpipilian ang mga mamimili. Mas sariwa at mas competitive ang presyuhan.

2. Ugaliing magdala ng bayong or plastik bayong na paglalagyan ng mga pinamili.
Para hindi mapagastos para sa plastik bayong sa palengke, mas makakatulong ka pa sa environment.

3. Magdala ng listahan na papamili.
Heto ay maiwasan ang pagbili na mga nasasayang na pagkain. Ilista ang amount kung magkano ang dapat bilhin sa bawat produkto. Halimbawa, P100 na baboy. Magstick lamang sa budget.

4. Mas mainam bumili ng mas madaming produkto tulad ng mantika, paminta, tuyo at iba pa dahil mas mura ang mga ito kesa sa mga tingi.

5. Mamili ng sapat lamang.
Sapat na sibuyas, bawang kamatis, gulay, isda at karne. Para maiwasan ang pagkasira ng mga ito.

6. Ikutin ang palengke para sa mas magandang deal sa mga papamili.
May ibang tindera na mas mura magbenta, ika nga may dagdag. Minsan din mas mura kung sa loob-looban ng palengke mamili dahil mas mura ang bayad ng mga stall dun kaya mas mura ang benta ng mga tindera.

7. Matutong tumawad.
Try mo tumawad hanggang 10%-50% ng paninda. Hindi namang masamang tumawad kung papayag ang tindera.

8. Mas okay mamili ng in season ng mga gulay/prutas.
Heto yung mga gulay na mas mura kumpara sa iba. Mapapansin mo din na mas maraming nagtitinda ng mga in season na gulay/prutas.

9. Maghanap na nakahiwang mga gulay.
Gulay na pangpakbet, gatang sitaw, gulay sa chopsuey, gulay para sa pansit. Mas mura ang mga ito. Uu at mga lumang mga gulay ang gamit dito. Ganito din naman ang ginagawa sa mga malalaking grocery kung san nakahiwa na sila. Ang mahalaga ay hindi bulok ang mga ito at syempre kailangang magaling kang mamili.

10. Magtanim ng gulay.
Madaling patubuin sa paso ang mga petchay, kamote, kangkong, okra, talong at iba pa. Basta may lupa taniman mo. Mas makakamura at garantisadong mas fresh.

 

Mainam din  na hugasang mabuti ang mga pinamili bago heto ilagay sa refrigerator for safe keeping.

Heto lang ang maibabahagi ng may akda.Maaring naman magcomment kung may alam pa kayong ibang paraan.